KAHALAGAHAN NG PAMILYA
Mga Dahilan Kung Bakit Mahalaga Ang Ating Pamilya Sa Ating Buhay
1. Ang ating pamilya lamang ang nagmamahal nating ng lubos.
2. Handang ibigay ng ating pamilya ang mga pangangailangan natin.
3. Tumutulong ang ating pamilya anumang oras natin kailangan.
4. Handa ang ating pamilya na tanggapin ulit tayo gaano man ka laki ang kasalananan na nagawa natin.
5. Walang ibang nais ang ating pamilya kundi kabutihan natin kaya siguradong ligtas tayo.
Ang isang tao, may mga kaibigan man siya, mga kasamahan sa trabaho at mga kakilala na pwedeng takbuhan, iba parin ang mga taong nakasama mo simula sa iyong pagkasilang, iba parin ang pamilya.
Ang ating pamilya ay ang klase ng mga tao na anuman ang mangyare ay mananatili parin sa ating tabi. Yung tipong kahit kasalanan natin ay ipinapagtanggol parin tayo. Iba ang pagmamahal ng ating pamilya sa pagmamahal ng ating mga kaibigan at mga malapit na kakilala.
Kaya mahalaga ang pamilya sa ating buhay. Yung klase ng pagmamahal na walang hinihinging kapalit ay tanging ang ating pamilya lang ang makakapagbigay. Ang seguridad na kailangan natin, ang motibasyon na hinihingi natin, ang tulong na kailangan natin ano mang oras, ang ating pamilya lamang ang makakapagbigay ng walang anumang pagdadalawang isip o pag-aalinlangan at walang hinihinging kapalit.
Maganda ang naka sulat dito halatang Mahal na Mahal nila ang pamilya nila
ReplyDeleteMaganda ang bawat salita kaya pakahalagahan nyo ang inyong mga magulang
ReplyDeleteSobrang nakaka touch ang bawat salitang nakasulat dito
ReplyDeleteGaling
ReplyDelete